Hindi umano magiging diktador si President-elect Donald Trump bilang bagong presidente ng Estados Unidos, maliban lamang sa unang araw nito.
Ayon kay Trump, sisimulan na niya ang mass deportation ng mga migrante upang mailabas na umano ang mga kriminal sa kaniang bansa. Magsisilbi umano itong pinakamalaking deportation program sa kasaysayan ng Amerika.
Ibabalik di niya ang ng mga patakaran sa edukasyon ng administrasyong Biden kung saan poprotektahan nito ang mga transgender students mula sa mga diskrimination sa paaralan.
Aayusin niya rin ang federal government sa pamamagitan ng pagsibak ng mga federal employees na pinapaniwalaan niyang pasikretong nagtatrabaho laban sa kaniya.
Papatawan niya rin ng pardon ang mga taong naaresto sa naging riot sa Capitol noong Enero 6, 2021.
Maliban pa diyan, ipinangako niya rin sa kaniyang kampanya ang pagpataw ng taripa sa mga imported goods, partikular na sa mga mula sa China.
Sinabi naman ni Karoline Leavitt, ang national press secretary ni Trump, magkakaroon umano ng maraming executive orders si Trump sa unang linggo nito.