Dagupan City – Isinagawa sa Binmaley ang unang araw ng repacking ng mga relief goods bilang bahagi ng paghahanda sa pamamahagi ng tulong sa mga residenteng nangangailangan.

Nakiisa sa aktibidad ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Binmaley, kasama ang mga tauhan ng PNP Binmaley, BFP Binmaley at iba pang volunteers na tumulong sa pag-aayos, pagbabalot at paghahanda ng mga relief goods.

Pinangunahan ni Mayor Pedro A. Merrera III ang pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at mga volunteers sa naturang gawain. Naglaan din siya ng personal na truck para sa paghakot at paglipat ng mga sako-sakong bigas, habang ang pagkain para sa mga volunteers ay sagot mula sa kaniyang personal na pondo.

--Ads--

Nagpapatuloy ang repacking operations upang matiyak ang maayos na paghahanda ng mga relief goods bago ang kanilang distribusyon sa mga benepisyaryo.