Payapa at matagumpay ang naging unang araw ng pagsasagawa ng simultaneous Comelec checkpoint nitong Enero 9 sa lungsod ng Dagupan.
Ayon kay Jordan Ma, isang traffic enforcer ng POSO Dagupan, naging matiwasay ang National at Local Election 2022 Simultaneous Checkpoints ng kapulisan at Comelec.
Dagdag pa nito, na tanging vaccination ID o katibayan na ikaw ay nabakunahan at negative Covid test result ang mga dokumentong kanilang hinahanap sa mga residenteng manggagaling sa ibang lugar.
Aniya dahil na rin sa pagtataas ng alert level status ng lungsod ay mas naghigpit pa ang kanilang hanay sa mga pangunahing kakalsadahan.
Kahapon, Enero 9 hanggang Hunyo 8, 2022, simula na rin kasi ang pagpaptupad ng election gunban.
Paalala naman ng Kapulisan sa mga motorista na makipag cooperate sa alagad ng batas.
Umaasa rin ito na magtutuloy-tuloy ang payapang pagpapatupad ng naturang panuntunan hanggang maisagawa ang halalan ngayong taon.