BOMBO DAGUPAN- Naglunsad ang Russia ng missile attack sa Kyiv, Ukraine ilang oras bago ang balik eskwela ng mga estudyante para sa panibagong academic year.

Sinabi ni Vitali Klatschko, ang alkalde, na kabilang sa mga tinamaan ay ang water treatment plant at entrance ng metro station. Napinsala din ang dalawang paaralan at isang unibersidad.

Ayon naman sa militar ng Ukraine, 22 cruise at air ballistic missiles ang nasira ng air force.

--Ads--

Iniulat naman ng lokal na otoridad na 3 katao ang nasugatan dahil sa debris ng mga nasirang missiles.

Gayunpaman, nagpatuloy ang unang araw ng klase at pinanatili ng mga guro at mga magulang ang pagiging normal ng unang araw ng klase ng mga bata.