DAGUPAN CITY– Nagdulot ng bahagyang pagbagal sa daloy ng trapiko ang unang araw ng mahigpit na implementasyon ng QR code sa mga border control checkpoint ng siyudad ng Dagupan.

Ayon kay POSO Dagupan enforcer Joey Berot na isa sa nagmamando sa border control checkpoint ng Calasiao – Dagupan boundary na bagamat nagdudulot ng trapiko ang bagong regulasyon na ipinapatupad sa mga checkpoint, ginagawa pa rin aniya ang kanilang trabaho para makita ng mga tao na mahigpit na ipinapatupad ang QR code sa lungsod.

Ilan sa mga hindi pinayagang makapasok sa siyudad ang walang maipakitang rapid test result kahit na mayroong QR code ay kailangan pa rin na kumpleto sa dokumento.

--Ads--

Umabot sa 73 na galing sa labas ng Pangasinan ang nagrehistro online kahapon.

Karamihan sa mga nanggaling sa labas ng probinsiya ay mula Tondo, Manila, Meycauayan, Bulacan, Tarlac, Valenzuela, Bataan, Nueva Ecija at Pampanga na pawang mga cargo delivery.

Ang pagpapatupad QR code ay isang hakbang ng city government upang matulungan ang lungsod na makontrol ang transmission ng coronavirus disease (COVID-19).