DAGUPAN CITY- Matagal na din umiiral ang Wage Discrimination sa pagitan ng sinasahod ng mga manggagawa sa Maynila at sa mga probinsya.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Julius Cainglet, Vice President ng Federation of Free Workers, dapat lamang din maranasan ng lahat ng mga manggagawa ang sinasabing pag-unlad ng bansa sa ekonomiya.
Kaya sapat lamang aniya karagdagang P150 na pasahod across the boarder para marecober ang nawalang value ng sahod ng mga manggagawa laban sa pagtaas ng mga bilihin.
Gayunpaman, kailangan mabawasan naman ang kinikita ng malalaking korporasyon at maipamahagi ito sa mga manggagawa.
Ito ay upang hindi na masayang pa ang ibang propesyonal na pinipiling mangibang-bansa para sa mas mataas na sahod.
Samantala, lumiliit man ang unemployment rate sa bansa ngunit tumataas naman ang under employment rate sa bansa.
Nangangahulugan lamang ito na nag hahangad ng ibang trabaho na may sapat na kita ang mga manggagawa na nasa ilalim ng contractual o probationary.
Kaugnay nito, malaki ang maitutulong sa informal sector ang karagdagang sahod sa formal workers.