DAGUPAN CITY — Hindi kasama sa nilagdaang National Budget ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na nagkakahalaga ng P5.268-trillion ang matagal ng kahilingan ng mga guro ng bansa na umento sa sahod, at dagdag na allowances.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay France Castro, ACT-Teachers Partylist Representative, sinabi nito na bagamat kasama sa naturang usapin ang salary adjustment ng mga guro para sa 2023 ng last tranch ng Salary Standardization Law of 2019 o ang tinatawag na SSL 5.

--Ads--

Aniya na kung matatandaan ay nagsimula noong 2020 ang Salary Standardization Law na may apat na taon mula 2020 hanggang 2023. Saad nito na naka-incorporate sa naturang usapin ang salary adjustment para sa mga guro sa susunod na taon depende sa kanilang salary grade.

Gayunpaman, binigyang-diin din ni Castro na ang pinakamababang salary grade na kinabibilangan ng mga government employees ay kapos pa rin kumpara sa salary living wage o minimum wage.

TINIG NI REP. FRANCE CASTRO