“We will accept defeat!” Ang tahasang inihayag ni API sec. general at Laoac vice mayor Atty. Nelson Gayo ukol sa pagkatalo ng kampo Espino sa katatapos lamang na eleksyon 2022 dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa isinagawang press conference sa bayan ng Lingayen kahapon, tatanggapin nila ng maluwag ang resulta ng eleksyon kapag mapatunayan aniya sa taombayan na ito nga ay resulta ng honest and fair election.
Sa kanilang pagtaya, lantaran umano ang nangyaring ‘massive cheating’ sa mga lumabas na resulta. Ramdam at pansin na nila noon pa man ang tangka at patuloy na pagpapa bagsak at patalsikin sa pwesto ang pamilya Espino.
Ilang beses at eleksyon na ang nakalipas ngunit bigo silang ito’y maisakatapuran ngunit sa ngayon, kitang kita ayon kay Gayo ang pagsasanib pwersa ng mga kalaban upan hindi maipagpatuloy ng mga Espino ang kanilang pamamalakad lalo na ang pagbibigay ng serbisyo publiko.
Unbelievable o hindi kapani-paniwala kung maituturing ang naging resultang ito ayon sa opisyal.
May ilang naiparating sa kanila na reklamo at documentations ukol sa ilang naganap na manipulasyon.
Hindi nila ito palalampasin sa ngayon kaya naman nakahanda ang kanilang kampo na magsagawa ng matibay na imbestigasyon at kung sakali man aniya na mayroong makitaang ebidensya ng dayaan ay handa silang maglatag ng kaso ukol dito.