Ayon kay Jaime “Jong” Serna Jr., head sa nasabing opisina na ang mga ito ay nakolekta mula sa mga palengke ng Malimgas at Magsaysay kung saan karamihan sa mga nakumpiskang timbangan ay ginagamit sa pagtitinda ng isda, ngunit mayroon ding mula sa mga tindahan ng karne, gulay, at prutas.

Aniya na gumagamit ang Task Force ng 5-kilong calibration weight upang suriin ang mga timbangan habang katuwang din nila ang city treasury sa paglalagay ng sticker sa makakapasang timbangan.

Saad nito na kapag may nakitang sumusobra na 1 o 2 gramo ay kinukuha agad ang timbangan mula sa vendor.

--Ads--

Bagamat walang ordinansa na nagpapataw ng multa, paulit-ulit na pinapaalalahanan ang mga vendor dahil kung hindi pa rin sila sumusunod pagkatapos ng dalawa o tatlong babala, pinagbabawalan na silang magbenta.

Binigyang diin naman nito na may anim na timbangan bayan sa mga pamilihan na nakakalat dito kung saan tatlo sa Malimgas at tatlo sa Magsaysay.

Maaaring gamitin ito ng mga mamimili upang i-check ang mga binibili nilang produkto.

Samantala sa kasalukuyan, may 15 na bagong nakumpiskang timbangan na dinala na sa motor pool.

Kaugnay nito ang mga nakumpiskang timbangan na nasa tambakan ay hindi na magagamit at naghihintay na lamang ng direktiba kung ano pa ang mga hakbang na gagawin dito.

Pinaalalahanan ni Serna ang mga mamimili na i-double check ang kanilang mga binibili at maging alerto sa mga tindero na may mabilis na kamay.

Maaari silang dumulog sa opisina ng Task Force kung may reklamo.