BOMBO DAGUPAN – Muling nanawagan si Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa mga kaalyadong bansa nito na bilisan ang pagpapadala ng mga armas.
Kasunod ito sa nangyaring missile strike ng Russia sa bayan ng Vilniansk sa southern Zaporizhzhia region na ikinasawi ng pitong katao kabilang ang mga bata at ikinasugat ng 31 iba pa.
Sinabi nito na mahalaga na bilisan ang pagbibigay ng armas dahil sa pinapaigting ng Russia ang kailang pag-atake sa Ukraine.
--Ads--
Sa pinakahuling atake ay nagtamo ng malaking damyos ang ilang gusali at mga kabahayan.
Magugunitang makailang ulit ng nananawagan sa mga kaalyadong bansa na magbigay ng mga armas.