BOMBO DAGUPAN – Hindi nagbigay ng senyales ng anumang desisyon sa pagpapahintulot sa Ukraine na gumamit ng mga long-range missiles upang matamaan ang mga target sa loob ng Russia ito ay matapos ang pag-uusap ng Punong Ministro ng UK na si Keir Starmer at US President Joe Biden sa Washington.
Nang tanungin kung hinikayat niya si Biden na payagan ang Ukraine na magpaputok ng mga malayuang Storm Shadow missiles sa Russia, sinabi ni Keir na nagkaroon sila ng “mahaba at produktibong talakayan sa ilang mga larangan, kabilang ang Ukraine.
Sinabi ng White House na nagpahayag din sila ng “malalim na pag-aalala tungkol sa probisyon ng Iran at North Korea ng mga nakamamatay na armas sa Russia”.
Naunang binalaan ng Pangulo ng Russia na si Vladimir Putin ang mga bansang Kanluranin na huwag hayaang magpaputok ng malayuang missile ang Ukraine sa Russia.
Dagdag pa ni Putin na ang nasabing hakbang ay kumakatawan sa “direktang paglahok” ng NATO sa digmaan sa Ukraine.