Maglalaan ang Estados Unidos ng $45 milyon na tulong sa Cambodia at Thailand upang suportahan ang pagpapatupad ng Kuala Lumpur Peace Accords at mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon, ayon kay Michael DeSombre, assistant secretary ng U.S. para sa Silangang Asya.
Ayon kay DeSombre, $15 milyon ang ilalaan para sa stabilisasyon ng hangganan at tulong sa mga displaced, $10 milyon para sa demining, at $20 milyon para sa paglaban sa scam operations, drug trafficking, at iba pang programa.
Nagkaroon muli ng labanan sa border ng Cambodia at Thailand kamakailan matapos bumagsak ang nakaraang ceasefire, na nagdulot ng higit kalahating milyong lumikas at mahigit 100 na namatay.
Matagal nang kaalyado ng U.S. ang Thailand, habang sinusubukan nitong mapalapit ang Cambodia at mailayo mula sa impluwensya ng China.










