Isinagawa ang turn-over of command sa Pangasinan Police Provincial Office sa bayan ng Lingayen upang pormal na iwelcome ang bagong Police Provincial director ng probinsya na si PCOL. Ronald Gayo.

Ang naturang programa ay dinaluhan ng Regional Director na si PBGEN Rodolfo Azurin Jr., Outgoing head of office PCOL Redrico Maranan, Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil at mga hepe sa ibat ibang munisipalidad sa probinsya ng Pangasinan.

Sa naging mensahe ni PCOL. Ronald Gayo ang bagong Police Provincial director ng probinsya, ay pinasalamatan nito si Regional Director Azurin para sa bagong oportunidad sakanyang karera upang makapagsilbi at maprotektahan ang mamamayang Pilipino.

--Ads--

Ito rin ay nagpasalamat sa mainit na pagtanggap at kooperasyon ng lalawigan ng pangasinan sa kanya.

Aniya, inaasahan din nito ang pakikisama ng mga pangasinense upang maabot ang parehong mithiin ng kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.

Nabago man umano ang designation sa lugar ay mananatili parin ang layunin at mga pangako ng himpilan sa pagsasagawa ng kanilang misyon.

PCOL. Ronald Gayo

Kasama sa mga misyon ni Gayo ang pagbibigay ng ligtas na kapaligiran sa lahat ng tao sa probinsya at pagprotekta laban sa kriminalidad ng mga business at legitimate leisure sa probinsya.

Nangako din itong mapapanatili ang civil at political rights ng mga tao sa probinsya at patuloy ang kanilang pagsuporta sa kampanya ng national government laban sa illegal na droga at korapsyon.