DAGUPAN CITY- Pormal nang ipinasakamay kay Col Reynaldo Bibat GSC PA (RES) bilang bagong officer in charge ang pamumuno sa 105th Ready Reserve Infantry Battalion (RRIBn), matapos ang isinagawang turn-over command ceremony ngayong araw sa Camp LT. Tito Abat Manaoag Pangasinan.

Ang naturang kaganapan ay pinangunahan ni Col Leopoldo T. Babante MI (GSC) PA at ayon sa kanya na ito ay tradisyunal na kaganapan kung saan kinakailangan magpalit ng mga lider.

Ibinahagi nito ang mahalagang layunin ng kanilang kampo pagdating sa mga pagsasanay, iba’t ibang aktibidad at ang pagtulong sa kumunidad sa kahit anumang panahon at lugar lalong lalo na sa pagprotekta sa sovereignty.

--Ads--

Sa pamamagitan din ni LTC Romae De Asis PA (Res) former batallion commander ng 105th RRIBn na isa sya sa mga humubog sa mga reservist at mga volunteers sa loob at labas ng kampo kung saan ilan taon din itong nagserbisyo at marami na ang pinagdaanan.

Bukod dito ngayong araw din ay nagsagawa ng iba’t ibang free medical services para sa kanilang mga kasamahan maging sa mga residente na naakapalibot sa kampo.

Samantala, ayon naman kay Col Reynaldo Bibat GSC PA (RES) bilang bagong officer in charge ang pamumuno sa 105th RRIBn, na ipagapatuloy pa nito kung ano ang nasimulan at mas lalo pang tututukan ang mga programa at pagsasanay para sa mas maayos ma serbisyo ng kanilang samahan.