Unti unti nang bumabalik ang sigla ng turismo sa Pangasinan matapos ang higit isang taong pagbagal nito dulot ng umiiral na laban kontra Covid-19.

Aminado si Tourism Officer Malou Elduayan na sa kasalukuyan ay ramdam pa rin ang epekto ng pandemya ngunit dahil na rin umano sa unti-unting pagluwag ng mga restriksyon sa bansa ay nagkakaroon na ng pagkakataon ang mga turista na bumisita sa lalawigan.

Dagdag rin nito na malayo pa rin sa bilang ng mga turista ang pumupunta sa numero unong tourist destination na Manaoag Shrine kung saan bago nagkapandemya ay halos milyong bilang ng mga bumbisita ang naitatala.

--Ads--

Ilan pa sa mga lugar na pangunahing dinadayo sa lalawigan ay mga lugar ng Dasol at Alaminos City na aniya ang mga residenteng nagtutungo dito ay mula sa Rehiyon 3 at National Capital Region.

Aniya, kinakailangan lamang magrehistro sa tara na.ph na nangangailangan ng approval mula sa local government unit at magrehistro lamang sa s-pass upang makapasok sa lugar.

Patuloy rin umano nilang inoobserabahan ang pagsunod sa mga health protocols maging ang striktong pagiimplementa ng mga travel protocols.

Tourism Officer Malou Elduayan

Sa ngayon sinabi ni Elduayan na ang pangunahing pinupuntahan ay ang mga Western beaches ng lalawigan tulad ng Bolinao, Burgos, Dasol, San Fabian, Alaminos City, Sual, Anda maging ang bayan ng Lingayen.

Samantala simula Enero hanggang Setyembre ng kasalukuyang taon ay naitala naman nila ang 96,000 tourist arrivals sa Pangasinan.

Hiling nito na sana ay magtuloy tuloy ang pagdating ng mga bibisita upang tuluyang makabangon ang sektor ng turismo sa lalawigan.