DAGUPAN CITY– Alalahanin ang pasko hindi lamang dahil kapanganakan ng Diyos kundi isapuso ang tunay na diwa nito katulad ng pagtanggap at pagkilala sa Diyos.

Ito ang mensahe ni dating Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP President at Lingayen Dagupan archbishop Socrates Villegas ngayong pasko.

Ayon kay Vlllegas, ang kasamaan at kasalananan ay hindi maiiwasan dahil tayong lahat ay marupok.

--Ads--

Bigyang puwang ang Diyos para mamayani sa ating puso. Aniya ang kriminalidad at pagkakawatak watak ay bunga ng kasalanan at ang lunas dito ay pagpayag natin na mamayani ang Diyos sa ating puso.

Dating Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas

Giniit pa ng arsobispo na ang Diyos ay kapiling natin at hindi niya tayo iiwanan.