BOMBO DAGUPAN – Makikita ang tunay na diwa ng kalayaan ay makikita sa bawat Pilipinong lumalaban araw-araw.

Ito ang mensahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagdiriwang ngayon ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Ayon sa pangulo, ang inspirasyon mula sa pang-araw-araw na pakikibaka ng mga ordinaryong Pilipino na nagtagumpay sa mga hamon sa pamamagitan ng sipag, tapang at lakas ang tunay na simbolo ng kalayaan.

--Ads--

Pinuri niya ang mga katangian ng bawat Pilipinong mapagmahal sa kalayaan tulad ng mga magsasaka, mangingisda, guro at sundalo sa bansa.

Matatag aniya ang nasyonalismo ng mga Pilipino at ang pagkakaisa nito sa pagprotekta sa kalayaang ipinamana ng ating mga ninuno.

Samantala, hinimok naman nito ang lahat na maging dedikado sa pagnanais ng isang ‘Bagong Pilipinas’ para sa mas magandang kinabukasan ng mga Pilipino.