Mga kabombo! Ginulat ng 107-year-old na lolang centenarian na nakilala sa tawag na Chen ang netizens ng China nang may mag-post ng kanyang video sa Douyin, ang Chinese version ng TikTok.
Ayon sa ulat, makikita kasi sa bahagi ng kaniyang noo ang tila tumubong horn kung kaya’t binansagan din si lola Chen bilang isang “unicorn.”
Sa video ay makikita na mayroon siyang four-inch “horn” na nakapuwesto sa kanyang forehead. Dito na umano umani ng komento si lola Chen gaya na lamang ng komento ng isang netizen na marahil umano sa kanyang kakaibang horn kaya humaba ang kanyang buhay.
Pabiro pang tawag ng iba – “longevity horn.”
Ayon naman sa mga eksperto, ang ganitong medical condition ay karaniwang inuugnay sa sobrang matagal na pagbibilad sa sikat ng araw.
Samantala, bukod naman kay Chen, taong 2019 isa ring senior citizen ang napabalitang tinubuan ng cutaneous horn. Kinilala naman ito na isang 74-year-old Indian man na si Shyam Lal Yadav. Kung saan nasa apat na pulgada rin ang naging haba, pero sa bumbunan niya iyon tumubo.