Patay matapos mauwi sa engkwentro ang isang inmate sa ginawang hot pursuit operasyon laban sakaniya ng mga tauhan ng BJMP Burgos District Jail .

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Pol Capt . Darwin Zafra hepe ng Sual PNP nangyari ang insedente sa Brgy Baybay Sur na boundery ng lungsod ng Alaminos at bayan ng Sual.

Ang detainee ay kinilalang si Michael Mas, 29 anyos na nahaharap sa kasong rape at residente ng Brgy Bamban sa bayan ng Infanta.

--Ads--

Aniya tumakas ang naturang inmate noong June 16, dahilan para magsagawa ng hot pursuit operation ang tauhan ng BJMP Burgos District Jail kung saan natunton ang suspek sa Brgy Baybay Sur.

Ito ay dating magsasaka sa naturang barangay kaya doon ito nagtago matapos tumakas.

Nagkaroon ng habulan sa pagitan ng suspek at mga otoridad kung saan natuklasan na may dala itong granada .

Bago umano nito mapasabog ang hawak na granada ay binaril ito ni SJO1 Johnson Pre na nagtamo ng tama ng bala sa katawan .

Nagawa pa itong maisugod sa pagamutan upang lapatan ng lunas ngunit ideneklarang dead on arrival.

Nakatakda namang isailalim sa post mortem examination ang bangkay nito.