Nanawagan si Provincial Health officer Dr. Ana Marie de Guzman sa tumakas na covid 19 patient mula sa bayan ng Mangaldan dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay de Guzman, ang pagkatakas nito ay hindi magdudulot ng mabuti sa kanyang pamilya at nanganganib maging ang komunidad.

BInigyang diin ni de GUzman na ang ginawa ng pasyente ay paglabag sa IATF protocols.

--Ads--

Napag-alaman na isinailalim sa rapid test ang lalaki dahil siya ay close contact ng isang covid 19 patient.

Matapos siyang maging reactive sa rapid test at sumailalim siya sa swab test.

Dahil sa asymptomatic ay sinabihan na huwag munang lumabas at mag home quarantine habang hinihintay ang resula ng swab test.

Pero matapos ipaalam sa pasyente ang resulta ng swab test ay tumakas na ito.

Provincial Health officer Dr. Ana Marie de Guzman

Samantala , binigyan naman ng PNP ang naturang pasyente ng ultimatum dahil kung hindi ito ang kauna unahang masasampahan ng kaso kaugnay sa paglabag nito sa quarantine protocol.