Lubos na ikinalungkot ng grupong Komisyon sa Wikang Filipino ang naging desisyon ng Korte Suprema na tuluyang tanggalin mula sa mga “required” na asignatura sa kolehiyo ang Filipino at Panitikan.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Purificacion Delima, komisyoner sa programa at proyekto ng Komisyon sa Wikang Filipino, sinabi nito na hindi magandang ideya ang ginawa ng pamahalaan na pag alis ng asignaturang Filipino sa kurikulum ng mga kolehiyo at unibersidad sa Pilipinas.

Dahil umano sa hakbang na ito, nanganganib ng bumaba ang kalidad ng wikang pambansa lalo na sa mataas na antas ng edukasyon. Pati aniya ang mga guro sa kolehiyo ay labis ding maaapektuhan dahil hanggang senior high na lamang ituturo ang mga subject.

--Ads--

Giit pa ni Delima, sa wikang pambansa lamang lubos na nakikilala ang mga mamamayan na gumagamit at tumatangkilik dito.

Kamakailan lamang ng ilabas ang desisyon ng Korte Suprema na pagtatanggal ng mga asignaturang Filipino at Panitikan bilang core subject sa kolehiyo.

Ang desisyon ng Korte Suprema ay nakabatay umano sa pagbabagong ginawang memorandum ng Commission on Higher Education noong 2013 na nagsisiguro na walang duplikasyon ng mga asignatura sa elementary, high school at kolehiyo. with reports from Bombo Badz Agtalao