DAGUPAN CITY- Patuloy ang isinasagawang kampanya ng PAMANA Water District sa pag-a-upgrade ng mga tubo sa lungsod ng Dagupan.
Sa panayam ng Bobo Radyo Dagupan kay Marge Navata, Spokesperson ng PAMANA Water District, marami na sa mga proyekto ang matagumpay nang natapos sa ilang barangay, habang may mga lugar pa ring patuloy na binibigyang pansin at tinututukan ng kanilang mga tauhan.
Aniya, isa ito sa kanilang mga hakbang upang mapabuti pa ang serbisyo ng tubig sa buong lungsod.
--Ads--
Mensahe naman niya sa mga consumer na tuloy-tloy ang kanilang opisina sa pagbibgay ng serbisyo para sa kapakanan ng nakararami.