Dagupan City – Tumanggap ng bagong makinarya sa pagsasaka ang ilang grupo ng mga magsasaka sa bayan ng Sta. Barbara.
Ipinagkaloob sakanila ang dalawang (2) yunit ng Four-Wheel Tractor na may Rotavator sa New Hope ARB at Farmers Association Inc., na pinamumunuan ni Jerry Molina.
Kasabay nito, isang (1) yunit ng Trailing Harrow naman ang ipinaabot sa Aliguas Banaoang Farmers Association, na pinangungunahan ni Jerome Noble.
Ang aktibidad na ito ay naganap sa ilalim ng pamumuno ng alkalde ng bayan, katuwang ang Municipal Agriculture Office ng Local Government Unit (LGU) Sta. Barbara, bilang bahagi ng kanilang suporta sa mga lokal na magsasaka at upang mapabuti ang produktibidad sa agrikultura ng kanilang nasasakupan.
Bilang bahagi ng pormal na dokumentasyon ng mga naturang tulong, ang mga benepisyaryo ng mga makinaryang ito ay tumanggap din ng Memorandum of Agreement at Deed of Donation.
Ang mga dokumentong ito ay ibinigay upang magamit sa ligtas na pangangalaga at wastong pag-iingat ng mga natanggap na kagamitan.
Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, layunin ng lokal na pamahalaan na magpatuloy ang mga inisyatibang magsusustento sa kapakanan ng mga magsasaka at magpapalakas sa sektor ng agrikultura ng Sta. Barbara.