Dagupan City – Tatlumpo’t siyam na magsasakang mula sa bayan ng Mangaldan ang tumanggap ng Rice Farmers Financial Assistance o RFFA mula sa Department of Agriculture – Regional Field Office I bilang bahagi ng patuloy na suporta ng pamahalaan sa sektor ng agrikultura.
Bawat benepisyaryo ay tumanggap ng tig-₱7,000 na cash assistance, sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office.
Ayon sa mga kinauukulan, layon ng programang RFFA na makatulong sa mga rice farmer na naapektuhan ng pagtaas ng gastusin sa produksyon at iba pang hamon sa pagsasaka.
Pinangunahan ng focal person ang pamamahagi ng ayuda habang tumulong din ang mga kawani ng Municipal Agriculture Office sa pagproseso upang matiyak ang maayos at kumpletong pagtanggap ng tulong ng mga kwalipikadong magsasaka.
Ilan sa mga tumanggap ng tulong ay planong gamitin ang natanggap na halaga para sa pagpapaayos ng patubig, pagbili ng gasolina, at iba pang pangangailangan sa sakahan.










