Tiniyak ng Provincial Government ng Pangasinan na magbibigay ang Department of Agriculture ng tulong pinansiyal ang mga backyard hog raisers sa Brgy. Apalen Bayambang na naapektuhan matapos magpositibo sa ASF virus ang ilang mga baboy doon .

Ayon kay Atty. Geraldine Baniqued, Provl. Legal Officer, nauna ng nabigyan ng tulong pinansyal ng Provincial government ang mga apektado sa Brgy Baloling sa bayan ng Mapandan ngunit sa Brgy Apalen naman sa Bayambang ay tinitignan pa dahil mayroon ding rekomendasyon na dagdagan ang ibibigay na tulong dahil magkakaiba din  ang price value ng mga baboy na isinailalim sa culling na sakop ng 1km radius.

Nangako din umano na magbibigay ng tulong pinansyal ang mga commercial farm owners dahil alam din ng mga ito na malaki ang naging epekto sa mga maliliit na hog raisers.

--Ads--

Giit ng opisyal na sa executive order 90-series of 2019 na bawal ang pagbiyahe ng  mga  buhay na baboy papasok sa probinsya ng Panbgasinan galing sa ibang lalawigan.

Pero kung galing naman sa ibang bayan, kailangan ay magpakita ng  certificate na ASF free.