Nanawagan ng tulong mula sa mga dayuhang bansa ang mga Haitian kasunod ng nararanasang gasoline shortage sa Haiti.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Nene Sylvain na dahil sa kawalan ng pangunahing pangangailangang gasolina ay nagbabadyang tuluyan ng magsara ang mga establishemento, mga eskwelahan at mga pangunahing kabuhayan.

Aniya dahil nakadepende ang malaking poryento ng bansa sa generator kung kaya’t nagsasagawa na ng malawakang protesta ang mga Haitian upang kanilang idulog ang problema sa gobyerno

--Ads--
TINIG NI NENE SYLVAIN

Libo libo na rin ang lumalahok sa protesta, na humihiling ng dagdag na access sa gasolina.

Dagdag nito na noong nakaraang taon ay nagbigay suporta ang Amerika para matugunan ang problema nila sa gasolina.

Samantala sinabi rin nito na dahil sa kawalan ng tiwala ng mga residente sa pamunuan ay nagkakapagtala ng kaguluhan kung saan sa ngayon ay mahigpit pa ring binabantayan ang seguridad ng kanilang Prime Minister Ariel Henry matapos ang tangkang assasination.

Ang sitwasyon ng seguridad ng Haiti ay lumala mula noong paslangin ang Presidente nitong Jovenel Moïse noong Hulyo 2021 sa mga kamay ng mga mersenaryong Colombian.