DAGUPAN, CITY— Bumuhos ang pagbati sa isang Pangasinense na isa sa mga nanguna sa Civil Engineer Licensure Examination ngayong taon.
Ayon kay Angelo Magno, Top 9 ng naturang eksaminasyon mula sa Pangasinan State University-Urdaneta na tubong bayan ng Pozorrubio, ‘overwhelm’ at masaya sa pakiramdam ang mga natatanggap nitong mga pagbati mula sa kanyang mga kaibigan at mga kakilala sa kanyang nakamit na tagumpay.
Aniya, naging mahirap umano ang pinagdaanan nilang kumuha ng naturang pagsusulit sapagkat 2 beses itong naantala at gayundin na partikular niyang tinukoy na sa kanyang unang subject na sinagutan, marami umano roon ang mga “unfamiliar problems’ na hindi natalakay sa kanyang pagrereview.
Kaya naman para sa kanya, “unexpected” ang kanyang pagkakabilang sa Top 10 ngunit malaking pasasalamat nito nang malaman na kasali siya sa mga nanguna sa naturang board exam.
Nagpasalamat din siya sa kanyang pamilya, mga kaibigan at mga guro nito sa kanyang paaralan na sumuporta sa kanya.
Matatandaang isinagawa ang naturang board examination noong November 14-15.
Kabilang si Magno sa 2,374 na pumasa sa 6,474 na examinees na nag-exam ngayong taon.