DAGUPAN CITY- Nag-uwi ng kampyeonato ang mga manlalaro ng USAD Pilipinas Volleyball Team matapos makilahok sa Korea Volleyball Cup Danyang 2026, kamakailan lamang.

Ayon kay Anthony John Dela Cruz, coach ng grupo, tangkad man ang naging armas ng mga nakalabang koponan subalit, naging sandigan nila ang tiwala sa grupo.

Aniya, naging bentahe nila sa pagkapanalo ang kanilang nabuong matibay na team work.

--Ads--

Hindi naman naging madali sa kanila, bilang mga estudyante, ang mga paghahandang ginawa.

Ginugugol nila ang kanilang weekends sa pagsasanay habang nakatuon ang kanilang atensyon sa pag-aaral tuwing weekdays.

Naging hamon din ang paglalakad ng mga kinakailangang dokumento upang makalahok sa torneo.

Gayunpaman, nakabawas sa kanilang isipin ang budget na kinakailangan dahil sa buong suportang ipinakita sa kanila ng mga sponsors.

Samantala, naging susi ang imbitasyon ng Korean-US Vollyball Association para malaghukan ang torneyo.