DAGUPAN CITY- Agad rin kinansela ang tsunami warnings sa mga kalapit isla sa Caribbean Sea matapos maranasan ang 7.6 magnitude earthquake.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bradford Adkins, Bombo International News Correspondent sa USA, tumagal lamang ng 6 oras ang mga pagbabala sa Puerto Rico at Virgin Island dahil nakita rin ang paghina ng mga alon.
Aniya, binawi na rin ang evacuation warning sa mga malapit sa karagatan at sa ngayon ay mapayapa na ang mga tao na naroroon.
Gayunpaman, kinakatakot pa rin nila na ang maaaring epekto nito sa mga kalapit bansa.
Maaari kaseng nagalaw nito ang fault lines ng mga malapit na bansa at magtrigger ng lindol.
Malapit rin sa Caribbean Sea ang Cayman Island, isang isla na kilalang pinupuntahan ng mga mayayaman.