Kinumpirma ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na posibleng magkaroon ng tsunami at maapektuhan ang coastal areas ng lalawigan ng Pangasinan kung sakaling gumalaw ang Manila trench.
Ayon kay PDRRMC Chief Col. Rhodyn Luchinvar Oro, base ito sa datos ng Office of the Civil Defense Region1 at simulation mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Ngunit sinabi naman ni Oro na hindi gaanong mararamdaman dito sa lalawigan ang “The Big One” kung ang gumalaw na faultline ay ang sa West Valley Fault dahil mahigit 200 kilometers ang layo ng Pangasinan sa Metro Manila.
Muli naman nitong binigyang-diin na walang teknolohiya ang PhiVolcs para magpredict ng isang lindol kaya hindi nila masasabi na may pattern o may kaugnayan ang nararamdamang lindol sa ibang bansa at posibleng mangyari rin dito sa Pilipinas.
Kasalukuyan naman silang nakikipag-ugnayan sa PhiVolcs para malagyan din ng karagdagang earthquake meter ang provincial government sa bayan ng Lingayen sapagkat ang mayroon lamang nito sa ngayon ay ang bayan ng Bolinao at syudad ng Dagupan. with reports from Bombo Badz Agtalao