Tinanggal na umano ang tsunami alert kasunod ng 8.2 magnitude na lindol na yumanig sa Alaska.
Naging sentro ng lindol ang timog silangan ng Perryville na halos limang daangmilya mula sa Achorage na pinakamalaking bayan sa Alaska.
Ayon kay Jessie Gacal-Nelson Bombo international correspondent mula Soldotna, Alaska, walang napaulat na casualties at at wala rin namang malaking sira sa mga ari arian.,
--Ads--
Sa ngayon ay maayos na ang kanilang lagay.
Paglalahad nito na nasa maliit na bayan lang at walang gaanong gusali. Sakali man lumala pa ang situwasyon ay may nakahanda namang evacuation area sa kanilang lugar.
Una nang nag isyu ng tsunami warning ang US Tsunami Warning System dahil sa pagyanig.




