Itinuturing na isang positibong hakbang para sa pandaigdigang kapayapaan ang naging pagpupulong nina U.S. President Donald Trump at Ukrainian President Volodymyr Zelensky.

Ayon kay Marissa Pascual, Bombo International News Correspondent sa Amerika ramdam sa pulong ang malalim na malasakit ni Trump sa usapin ng kapayapaan, hindi lamang sa Ukraine kundi sa buong mundo.

Aniya isa sa mga pangako ni Trump noon pa man sa kaniyang kampanya, na maging isang peacemaker sa gitna ng mga digmaan.

--Ads--

Dagdag pa niya, kahit pitong buwan pa lamang sa opisina mula sa kanyang muling pag-upo bilang lider ng bansa, ipinapakita na ni Trump ang kanyang aktibong papel sa mga global issues.

Kabilang din sa naging highlight ng pagpupulong ang solidarity ng mga bansang Europeo sa pagsuporta kay Zelensky, sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Ayon sa kanya, ginagarantiyahan ng mga lider na magiging matagumpay ang pulong, na hindi lamang para sa kapayapaan sa Ukraine kundi para sa pandaigdigang relasyon.

Bukod kay Trump, nagpakita rin ng malasakit ang First Lady sa sitwasyon.

Inihayag ni Pascual na nagpadala ng sulat si First Lady Melania Trump kay Russian President Vladimir Putin, bilang pahiwatig ng pagkabahala sa mga inosenteng nadadamay sa gulo.

Kung saan makikita aniya ang concern hindi lang ni Trump, kundi pati ng kanyang asawa sa mga inosenteng sibilyang naaapektuhan ng digmaan.

Samantala, isa sa mga naging layunin ng pagpupulong ay ang magtaguyod ng matibay na relasyon sa pagitan ng mga lider, bilang pundasyon para sa tuluy-tuloy na peace talks.