Nangunguna si US President Donald Trump sa bahagi ng North Carolina pero dikit lang ang laban nila ni Joe Biden.

Ayon kay Bombo International correspondent Norma Sapla mula sa North Carolina, USA, kasalukuyan pa ring dumarating ang mga botos na ipinadala sa koreo at tuloy tuloy naman ang pagbibilang ng mga ito.

Sa kasalukuyan, 90 percent umano ang nabilang na. Sa Governor aniya panalo ang democrat habang Republican naman ang panalo sa Congress.

--Ads--

Hindi naman umano napag uusapan ng Filipino Community doon ang tungkol sa pulitika at nag-aabang na lang kung sino ang mananalo kina Trump at Biden.

Bombo International correspondent Norma Sapla

Samantala, nanatiling normal ang situwasyon doon bagamat may 200 nagprotesta sa isang rally doon pero, nabuwag na at napauwi narin sila. Anim sa mga sumama ang protesta ang inaresto dahil ayaw nilang umuwi.