DAGUPAN, CITY— Itinuturing na political situation ng isang grupo ng LGBTQ community ang dahilan ng mabilisang pagpapalaya kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton noong Martes.

Ito ay matapos pagbigyan ng Olongapo City court ang early release plea ni Pemberton sa ilalim ng good conduct time allowance rule (GCTA).

Ayon kay Jhay De Jesus ng True Colors Coalition, na naniniwala ang kanilang grupo na hindi lamang simpleng nagqualify sa GCTA si Pemberton kundi ipinairal ng bansang Amerika ang kapangyarihan nito sa bansa dahil sa hindi pantay na relasyon ng dalawang bansa at ito ay napatunayan na umano sa unang pagdinig pa lang ng nabanggit na kaso.

--Ads--

Aniya pinairal lamang ng naturang bansa ang kapangayarihan ng dating visting forces agreement at enhance defense cooperation agreement at hindi na umano nakakagulat ang ginawang hakbang na ito ng kampo ni Pemberton.

Ngunit sa kabila umano nito ay tuloy-tuloy ang kanilang ginagawang hakbang upang maibigay ang kabuuang hustisiya para kay Jennifer Laude.