Asahan ang mabibigat na pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa dulot ng mga malawak na kaulapang dala ng bagyo at habagat na pinalalakas nito.

Mararanasan ang masamang lagay ng panahon hanggang sa paglabas nito sa Philippine Area of Responsibility.

Samantala, Southwest Monsoon o habagat naman ang nakakaapekto sa Central at Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.

--Ads--

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 140 km East Northeast Tuguegarao City , Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 75km/h malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 90km/h.

Kumikilos ang bagyo pa West Northwestward na direksyon sa bilis na 20km/h.

Batanes, Cagayan including Babuyan Islands, Isabela, Apayao, Kalinga, the northern and central portions of Abra, the eastern portion of Mountain Province, the eastern portion of Ifugao, Ilocos Norte, and the northern portion of Ilocos Sur.

Quirino, Nueva Vizcaya, the rest of Mountain Province, the rest of Ifugao, the rest of Abra, Benguet, the rest of Ilocos Sur, La Union, the northern portion of Pangasinan, the northern portion of Aurora , and the northeastern portion of Nueva Ecija

Asahan pa rin ang malabagyong panahon sa Batanes, Cagayan, Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, Ilocos Norte, Mountain Province, Ifugao, at Ilocos Sur dahil sa bagyong Crising.

Mararanasan rin ang mga pag-ulan at pagbugso-bugsong hangin sa Aurora,nalalabing bahagi ng Ilocos Region Cordillera Administrative Region, at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley dulot ng parehong sama ng panahon.

Ulang dala ng habagat naman ang iiral dito sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, Palawan, Western Visayas, at Negros Island Region dahil sa umiiral na Southwest Monsoon o habagat na pinalalakas ng bagyong Crising.

Aasahan rin ang paminsan-minsang pag-ulan sa nalalabing bahagi ng bansa dulot pa rin ng habagat.

Inaasahang tutumbukin ng bagyo ang northeastern portion ng mainland Cagayan o Babuyan Islands ngayong gabi.

Lalabas naman ito sa PAR sa bukas ng hapon.