Nagdeklara ang Trinidad and Tobago ng state of emergency dahil sa tumataas na bilang ng mga gangs related crime sa kanilang bansa.

Ayon kay Alan Tulalian – Bombo International News Correspondent in Trinidad and Tobago ang desisyon ang ay galing sa kanilang Pangulo kung saan inirekomenda niya ito sa kanilang Punong Ministro dahil sa lumalalang crime rate sa nasabing bansa.

Aniya na sa loob lamang ng pitong araw mula Disyembre 23-30 ay mayroong naitalang 7 bilang at sa kabuuan ay mayroon 623 bilang ng murder case sa kanilang lugar.

--Ads--

Ito na ang highest crime rate of all time na naitala sa Trinidad ang Tobago na siya namang ikinabahala ng pamunuan ng nasabing bansa.

Bukod dito ay nagkaroon din ng mass shooting kamakailan lamang sa kanilang lugar kung saan 5 ang nasawi habang 1 naman ang sugatan.

Ang nasabing pangyayari ang nag-udyok sa kanilang Pangulo upang magdeklara na ng state of emergency.

Nakatutok ang nasabing emerhensiya upang labanan ang mga gangs related crime at magtatagal naman ito sa loob ng 3 buwan.