Posibleng matrigger ang asthma o hika dahil sa matinding emosyon at hindi lamang sa dahil kapaligiran.

Ayon kay Dr. Glenn Soriano US Doctor, Natural Medicine Advocate, mahalaga ang tamang diagnosis at pangangalaga sa asthma o hika.

Aniya, ang asthma ay isang kondisyon na madalas nagsisimula pa sa pagkabata at unti-unting nade-develop habang tumatagal.

--Ads--

Binanggit niya na ang diagnosis ng asthma ay dapat ma-establish lamang sa pamamagitan ng mga angkop na pagsusuri ng mga doktor.

Bagamat may mga kondisyon din na nagmimimick o nagpapakita ng sintomas na kahawig ng asthma ngunit hindi naman talaga ito, kabilang na ang ilang problema sa lalamunan.

Pagbabahagi ni Dr. Soriano para sa mga may asthma, mahalaga ang pagkakaroon ng first aid tulad ng inhaler dahil sa mga biglaang asthma attacks na maaaring magdulot ng hirap sa paghinga at pakiramdam na parang nalulunod.

Kadalasan, ang mga trigger ng asthma attacks ay nagmumula sa kapaligiran tulad ng alikabok, usok ng sasakyan, at iba pang mga irritant.

Bukod dito, posibleng matrigger din ng asthma attack ang matinding emosyon.

Pinayuhan naman ni Dr. Soriano ang publiko na maging maingat sa mga palatandaan ng asthma at agad na kumonsulta sa mga espesyalista upang maiwasan ang komplikasyon ng sakit na ito.