Kulungan ang bagsak ng isang tricycle driver matapos itong ireklamo ng pang momolestya sa isang menor de edad na dalagita sa lungsod ng San Carlos.

Sa nakuhang impormasyon kay San Carlos City COP PLt./Col. Franklin Ortiz, kinilala ang suspek na si Dennis Gonzales, residente ng Brgy. Rizal.

Mula sa isinilbing warrant of arrest, tuluyang nasakote ng mga kapulisan ang naturang suspek at nakasuhan ng Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610.

--Ads--

Buwan pa ng Oktubre noong nakaraang taon ng magsampa ng kaso ang kaanak ng biktima hanggang sa lumabas na ang warrant of arrest kayat agad namang gumawa ng aksyon ang San Carlos City PS.

Batay sa isinagawang imbestigasyon, nangyari ang insidente sa isang lamayan kung saan naroon pareho ang suspek at ang biktimang dalagita.

Mula sa salaysay ng biktima, napansin nito na tila masama ang tingin ng suspek sa kaniya kasabay ng pag papahiwatig na kursunada siya ng suspek.

Hindi naman ito gaanong binigyang pansin ng dalagita hanggang sa bigla na lamang itong nilapitan ng suspek at sinunggaban ang maselang bahagi ng likuran ng biktima.

Sa background check na isinagawa ng San Carlos City PNP, lumalabas na mayroon ng kaparehong kaso ang kinaharap noon ng suspek noong taong 2017 ay nakalaya naman dahil sa pagbabayad ng kaukulang piyansa at ngayo’y naulit nanaman ito.

San Carlos City COP PLt./Col. Franklin Ortiz

Bilang hakbang ng kanilang himpilan, mas pinapaigting nila ang kanilang information drive upang mabigyan ng sapat na kaalaman ang lahat ng mga residente nilang kabataan at kababaihan upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.

Gayundin ang babala sa mga kalalakihan na gagawa ng kaparehong krimen sa kung ano ang maaari nilang kaharapin.