Mga Kabombo! Dahil sa sa isang social trend, napilitan ang mga otoridad sa China na magpatupad ng clampdown o ang agarang aksyon upang mapigilan o ilimita ang naturang sikat na aktibidad ng mga kabataan.
Umaabot sa 200,000 na mga kabataan nagrerenta ng bike upang makisabay sa trend kung saan lalakbayin nila ang kahabaan ng Zhengzhou patungong Kaifeng sa gabi para lamang sa bumili ng quantangbao o isang klase ng soup dumpling.
Dahil dito, sinara ng mga kapulisan ng Henan Province ang mga bike lanes na nakakonekta sa Zhengzhou at Kaifeng upang mabawasan ang bilang ng mga estudyante na nakikiisa sa trend.
Napaulat rin kase na nitong biyernes lamang ay naharang na ng mga ito ang isang highway sa central China.
Ayon sa isang estudyante, sa trend na ito ay nararamdaman nila ang passion ng mga kabataan habang inaakyat ang pataas na daan at sinasabayan nila ito ng pagkanta.
Aniya, para sa kanila ay higit pa ito sa bike riding.
Nagsimula naman ang trend na ito noong buwan ng Hunyo dahil sa apat na babae mula Zhengzhou at naglakbay upang bumili rin ng dumpling.