Dagupan City – Matagumpay na isinagawa ang tree-planting activity sa syudad ng Alaminos.
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng environment month sa lungsod at suporta na rin sa Pangasinan Green Canopy Program ng pamahalaang panlalawigan at sa sustainable environmental protection initiatives ng pamahalaang lungsod.
Pinamunuan naman ito ni Alaminos City Mayor Arth Bryan Celeste, kung saan ay isinagawa ang tree planting activity sa Barangay Tawin-tawin na pinangunahan ng mga aktibong miyembro at opisyales ng Samahang Magsasaka ng Barangay Tawin-tawin (SMBTI) at barangay council.
Nakibahagi din si Sangguniang Panlalawigan Committee Chairperson on Agriculture, City Councilor Atty. Walter Macaiba sa gawaing na inaasahang makakatulong upang madagdagan ang mga punong kahoy sa lungsod para sa mas luntiang kalikasan.
Naging katuwang din sa programa ang mga kawani ng Provincial Population Cooperative and Livelihood Development Office na siyang pinangunahan ni Ellsworth Gonzales at City Agriculture Office na si Agriculturist II Tolentino.
Layuinin din ng aktibidad na mas maitaas pa ang kamalayan ng lipunan sa pangmatagalang benepisyo ng pagtatanim ng puno at sa sama-samang pagkilos para mabawasan ang epekto ng climate change at isulong ang mas ligtas at masaganang bukas.