DAGUPAN CITY- Naging usap-usapan ang mainit insidenteng kinasangkutan ng isang Pilipina sa bansang Kuwait kung saan nagbigay ito ng pangamba sa ilan.
Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jane Anlap Lorenzo, Bombo International News Correspondent sa bansang Kuwait, sa kabila ng mga pangyayari ay wala pagbabagong nagyayari sa pagtrato ng mga dayuhang employer sa Kuwait sa mga manggagawang Pilipino sa nasabing bansa o mga Overseas Filipino Workers (OFW).
Aniya, nakalulungkot ang nangyaring insidente lalo na at maari itong magdulot ng mga masasamang epekto sa pananaw ng mga dayuhan.
Hindi rin aniya masabi kung ano nga ba ang totoong pangyayari sa ganitong mga insidente.
May mga nababalitaan na ring ganitong insidente nitong mga nakaraan ngunit sa ngayon ay wala namang pagbabago sa trato sa kanila ng kanilang mga amo sa nasabing bansa.
Mahirap din umano ang nararanasan ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibayong dagat.