Umaasa ang transport sector dito sa lalawigan ng Pangasinan na magkakaroon ng pagbabago sa sektor ng transportasyon sa bansa sailalim ng pamumuno ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bernard Tuliao – Presidente ng Alliance of United Transport Organization Provincewide (AUTOPRO-Pangasinan), nakikita nila sa bagong kalihim na malapit ang puso niya samga drayber.

Nagpapasalamat naman si Tuliao sa naging kautusan ni Dizon sa lahat ng undersecretaries, assistant secretaries at directors na magsumite ng kanilang courtesy resignation bago ang Pebrero 26, 2025, upang bigyan siya ng kalayaan sa pamumuno.

--Ads--

Tungkol naman sa PUV modernization program, nagkaroon aniya sila pag asa matapos ipahayag ni Dizon na kanyang pag aaralan ang jeepney modernization program.

Nauna rito ay sinabi ng kalihim na makikipagpulong muna siya sa mga jeepney operators bago magtakda ng mga polisiya.

Sa panig ni Tuliao, pabor siya sa traditional jeepney dahil short distance lang naman ang biyahe ng mga drayber sa lalawigan.

Marami pa naman aniya sa mga kasamahan nila ang hindi pa tumugon sa PUV modernization program.