DAGUPAN, CITY— Sang-ayon at talagang napapanahon na ayon sa ilang transport group dito sa lalawigan ng Pangasinan ang pagkakaroon ng konting adjustments partikular na sa dagdag pasahe ng mga commuters.

Ayon na lamang kay AutoPro Pangasinan Pres. Bernard Tuliao, 3 pesos ang nakatakdang ipatupad na dagdag pasahe at ito’y iiral kada apat na kilometro kayat kung sakaling ito’y maaprubahan, tinatayang nasa dose pesos ang magiging minimum fare sa kada unang kilometro.

Matatandaan ayon kay Tuliao na mula noong buwan ng Enero hanggang ngayon ay nasa 20 increase na sa pamasahe at nitong buwan lamang ng Setyembre hanggang Oktubre ay umabot sa limang beses na increase.

--Ads--

Kung titignan aniya kasi ngayon sa seating capacity pa lamang ng mga pampublikong sasakyan ay naging limitado na lamang kasabay pa ng mataas na presyo ng gasolina kayat lubhang apektado talaga ang daily operation ng transport.

Pinawi naman ni Tuliao ang maaaring maging pangamba ng mga mananakay lalo na sa usapin ng overcharging sa pamamagitan ng pagdulog sa kanilang tanggapan sakaling sila’y makaranas ng kahalintulad na sitwasyon.

Hindi nito itinanggi ang usaping ito lalo na’t marami talaga ang nagrereport sa kanilang tanggapan ngunit payo nito sa mga commuters, maaari nilang kuhanan ng picture o i-video ang plate number ng jeep na kanilang nasakyan. (with reports from: Bombo Lyme Perez)