BOMBO DAGUPAN- Kabaliktaran sa ipinangako sa bayan ang ipinapakita ni Vice President Sara Duterte partikular na sa budget hearing nito.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Raymond Palatino, secretary general ng Bagong Alyansang Makabayan, napakalaki na umano ng presidential pork barrel sa ilalim ng opisina ng bise presidente at kulang na kulang ito ng transparency.
Kasabay ng kanilang isinagawang kilos protesta ay ang budget delibiration ng Office of the Vice President, kaya ipinawagan din nilang mabigyan ng linaw at tuloy tuloy na imbestigasyon kung paano ba ginastos ang P125-million confidential funds ng opisina ng bise presidente. Gayundin sa P10-million book project ni Vice President Sara Duterte.
Ani Palatino, nadidismaya sila sa bise presidente dahil tila’y “entitled” umano ito na buong tatanggapin na lamang ang kaniyang budget proposal nang walang anumang pagsisiyasat ng House members.
Tama man ang bise presidente na budget para sa 2025 ang pinag-uusapan sa budget hearing ngunit ang hindi nito pagsagot sa naging gastos sa naturang pondo ay nagpapakita ng kakulangan ng transparency.
Giit niya, ang ipinakitang pag-uugali ni Duterte sa pagdinig ay pagpapakita umano ng pagka-arogante at pang aabuso nito sa kapangyarihan.
Maliban dyan, out of order din umano ang pagnanais nitong maiba ang presiding officer ng kongreso. Sapagkat wala itong karapatan na manawagang palitan ito, bagkus diretsuhin na lamang nito ang kaniyang pagsagot sa mga katanungan.
Gayunpaman, pinepersonal nito ang mga katanungan.