Panahon na para ireview ng Senado at Kongreso ang mga umiiral na batas na poprotekta sa LGBTQ+ Community mula sa diskriminasyon.

Ito ang naging pahayag ni Gretchen Custodio Diez sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan matapos siyang hindi payagan ng janitress ng isang mall sa Quezon City na gumamit ng pambabaeng comfort room.

Ayon kay Diez, kung tutuusin hindi na kailangan ng karagdagang batas kung malayang nakapapamuhay ang mga katulad niyang miyembro ng LGBTQ+ ngunit hindi aniya naiiwasan ang pagkakaroon ng mga insidente ng diskriminasyon tulad ng kanyang naranasan dahil na rin sa maling implementasyon at kakulangan ng kaalaman ng publiko sa mga umiiral na batas.

--Ads--

Giit pa ni Diez, walang matututo sa mga kamaliang ginagawa sa LGBTQ+ Community kaya nararapat lamang na maparusahan ang mga ito.

voice of Gretchen Diez

Wake up call din aniya itong maituturing para magkaisa ang lahat ng grupo ng LGBTQ+ para makamit nila ang nais pantay na trato mula sa mamamayan.

Nagpasalamat naman ito sa suportang ibinigay sa kanya nina Sen. Risa Hontiveros maging si Bataan Congresswoman Geraldine Roman na isa ring transgender woman.