Kinondena ng Hollywood actress na si Hunter Schafer, na kilala sa kanyang papel sa hit na HBO series na Euphoria, ang polisiya ng kasarian ng Estados Unidos sa ilalim ni US president Donald Trump, partikular sa isyu ng pagbabago sa detalye ng kanyang pasaporte.

Sa isang TikTok video na tinanggal na, ipinaabot ng transgender star ang kanyang pagkabigla nang matuklasan na ang kanyang bagong pasaporte ay binago ang kanyang gender marker mula “babae” patungong “lalaki.”

Ipinaliwanag ni Hunter na matagal nang kinikilala at tinutukoy siya bilang babae sa mga opisyal na dokumento, kabilang na ang kanyang pasaporte, mula pa noong kanyang kabataan.

--Ads--

Gayunpaman, inamin ni Hunter na hindi pa niya na-update ang gender marker sa kanyang birth certificate, na pinaniniwalaan niyang maaaring naging sanhi ng pagbabago sa kanyang pasaporte.