DAGUPAN CITY – Kumpirmadong umabot na sa 22 ang nasawi sa nangyaring train wreckage sa Nakhon Ratchasima province, sa Thailand ngayon araw habang 79 naman ang sugat at 8 ang may malalang injuries.

Bago mangyari ang insidente, tinatrabaho ng crane ang isang medium-speed rail project at tinamaan nito sa kaniyang pagbagsak ang isang umaandar na train car.

Nagdulot ito ng pagka-derail ng nasabing tren at kalaunan ay sumiklab ang sunog.

--Ads--

Ayon naman sa seating plan ng tren, nasa 195 ang bilang ng sakay nito, kabilang na rito ang mga staff members.