DAGUPAN CITY– Ideneklarang “persona non grata” ng Sanggunuiang Panlalawigan ng Pangasinan ang trader na nagpasok ng mga baboy na apektado ng African Swine Fever mula sa probinsiya ng Bulacan.

Sa isinagawang regular session, ay napagkasunduan ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na ideklarang persona non grata o “unwanted person” dito sa probinsiya ang trader ng mga baboy na si Roger Erpelo.

Sa naging preliminary statement ni Board Member Ajerico Ming Rosario bilang prime author, sinabi nito na ang pangyayari ay resulta aniya ng pagiging makasarili at iresponsableng hakbang na maituturing ding economic sabotage.

--Ads--

Matatandaan na 15 sa 60 mga baboy na ipinuslit ni Erfelo mula sa Bulacan ay nagpositibo sa ASF partikular na sa Brgy Baloling Mapandan.

Dahil dito naapektuhan ang operasyon ng mga hog raisers sa lalawigan partikular na ang mga sakop ng 1-7-10 radius kung saan daang mga baboy na rin ang isinailalim sa culling.