DAGUPAN CITY- Ibinahagi ni Department of Tourism Secretary Christina Garcia Frasco sa kaniyang pagbisita sa lalawigan ng Pangasinan, partikular na sa bayan ng Bolinao, ang isang programa na magpapalakas sa ugnayan ng nasyonal at lokal na pamahalaan sa paglikha ng mga proyekto pangturismo.

Ayon kay Frasco, isa na sa halimbawa ng Tourism Champions Challenge(TCC) ay ang proyektong legacy of the sea Silaki Island Community-based tourism ng Bolinao.

Anya na mayroong inilaan ang Gobyerno at sa pakikipag-ugnayan sa TIEZA na P255 milyong pondo para sa 15 nanalong proyekto sa TCC.

--Ads--

Ang TCC ay isang pambansang kampanya na nagbibigay ng insentibo para sa pagpapaunlad ng turismo sa mga lungsod at munisipalidad. Ito rin ay bilang pagtupad sa pangako ng Administrasyon na higit pang palakasin ang industriya ng turismo at patatagin ang pamamahala sa turismo.

Samantala, ipinangako naman nito ang tuloy tuloy na programa para sa pagbibigay halaga sa turismo at pag-unlad ng turismo sa Pilipinas.