Marami ngqayong sinusubukang alternatives sa white rice para sa low-carbohydrate at low-calorie diet.
Nariyan ang iba-ibang kulay ng grains tulad ng brown, black, at red rice.
Isa sa mga nagiging popular choice sa ngayon ay ang shirataki rice, na ayon sa mga experts, ay mas magandang option at tinatawag itong “miracle rice.”
Pero gaano ba talaga ka-effective ang shirataki rice para sa weight loss?
Totoo bang nakakatulong ito sa mga diabetics para magkaroon ng lower sugar level? Ibig bang sabihin ay puwedeng kumain nang marami nito at manatiling healthy?
Ang shirataki rice ay gawa mula sa konjac plant, isang root vegetable na matatagpuan sa Japan.
Napakababa ng calories at carbohydrates content nito, pero mataas ang fiber content.
Sagana rin ito sa glucomannan, isang soluble fiber na kayang mag-absorb ng tubig na 50 times kesa sa weight nito.
Kapag hinaluan ng tubig ang glucommanan, nagiging gel ang texture nito.
Nakakapag-delay ito ng digestion kaya hindi agad nakakaramdam ng gutom.
In effect, nakakatulong din ang shirataki rice para sa lower sugar levels at nagiging beneficial para sa mga diabetics.
Ang iba pang positive effects ng glucomannan ay lower blood cholesterol, lalo na kung consumed in moderation.
Pero paalala ng mga eksperto inirerekomendang dahan-dahanin muna ang pagkain ng shirataki rice kung nagsisimula pa lamang.
May mga reports kasing may mga nakaranas ng bloating, flatulence o kabag, at loose stool.
Paalala rin sa pagpili ng mga shirataki rice brands.
Dapat aprubado ng Food and Drug Administration (FDA), na naglabas ng report noong nakaraang taon tungkol sa mga brands na hindi dumaan sa Certificate Production Registration, at hindi rin dumaan sa FDA evaluation.